News

St. John Paul II Shrine pormal na binuksan sa Hermosa

0

Isang pagpapala ang nakamit ng bayan ng Hermosa matapos na pormal na buksan at ialay sa Diyos ang isang bago at magandang simbahan nitong Linggo kay St. Pope John Paul II na bumisita sa bayan ng Morong, 40 taon na ang nakararaan.

Ayon kay Diocese of Balanga Bishop Ruperto C. Santos, matatagpuan ang simbahan ng St. John Paul II Diocesan Shrine sa tabi mismo ng Roman Highway sa Barangay Culis sa Bayan ng Hermosa.
Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown ang Banal na Misa at consecration ng shrine.

Dumalo rin sa consecration sina Bataan Gov. Albert Garcia, 2nd District Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, Orion Mayor Antonio Raymundo at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Noong ika-21 ng Pebrero, 1981 ang yumaong Santo Papa, kasama sina noon ay Pangulong Ferdinand Marcos ay bumisita sa Philippine Refugee Processing Center sa Morong, Bataan at nagdaos ng Banal na Misa para sa libu-libong Indo-Chinese refugees na tumakas sa kanilang bansa at pansamantalang nanirahan sa PRPC.

Sec. Dar: Central Luzon will be the major source of food

Previous article

Mayor Santiago donates land for shrine

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News