Isang makabuluhang programa hinggil sa suicide awareness and prevention ang isinagawa ng Mariveles High School ( Camaya) na may temang, ” Changing the Narratives”.
Layunin ng nasabing programa na baguhin ang pananaw at stigma na nakapalibot sa usaping mental health, bigyang daan at buksan sa maunawaing pag uusap ang tungkol dito partikular na sa ating mga kabataan.
Naging posible ang programa sa tulong ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ni Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion, mga kaanib ng Sangguniang Bayan partikular na si Konsehal Ivan Ricafrente na nagsulong ng ordenansang nagpapakita ng malasakit at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kabataan.