Implementasyon ng Mandanas-Garcia Law lilinawin pa

Sumulat na ang League of Provinces sa kinauukulan upang linawin ang issue ukol sa devolution o paglilipat ng tungkulin ng ilang ahensiyang nasyonal sa mga lokal na pamahalaan. Ito ang napag-alaman kay Bataan Gov. Joet Garcia sa pulong-balitaan kamakailan, kung saan sinabi nito na nasa P300 milyon ang mawawala sa pamahalaang panlalawigan dahil sa devolution. […]