EnvironmentNews

Tatlong barangay ginawaran ng sertipiko ng pagkilala

0

Sa kabila ng pandemya, tatlong (3) barangay sa Lungsod ng Balanga ang ginawaran ng sertipiko ng pagkilala kaugnay ng programang “Greener than Green” ng Environment and Natural Resources Office ng Lungsod. Kamakailan, sa pangunguna ni City Environment and Natural Resources Officer at City Agriculturist Ms. Nerissa Mateo, ginawaran ng sertipiko ang mga Barangay Central, Munting Batangas at Bagumbayan dahil sila ang may pinakamalinis, maayos at magandang botanical garden sa Lungsod.

Sinabi ni Ms. Mateo na kung maraming tanim na gulay, ornamental plants at puno sa ating kapaligiran, mababawasan ang air pollution at baka bumagal ang pagkalat o hawahan sa COVID19. Isa rin sa nakikita ni Ms. Mateo na magiging magandang pasyalan ng mga residente ang kanilang botanical gardens.

Bataan builds a bigger processing facility, updates border protocols in relation to COVID-19 resilience efforts

Previous article

SBMA warns vs travel, exposure to visitors

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Environment