banner

Vice Gov Cris, inanyayahan ang SB Mariveles

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Kaugnay sa Bisita Bayan Kada Buwan Program ni Gov. Joet Garcia, natuwa ang mga konsehal ng bayan ng Mariveles nang sila ay anyayahan ni Vice Gov. Cris Garcia na sila naman ang magsesyon sa The Bunker, sa pangunguna ni Vice Mayor Lito Rubia.

Ibinalita rin ni Vice Cris Garcia na nung isang taon pa ay ni-reactivate na ni Sangguniang Panlalawigan Secretary, Atty. Mark Quezon ang samahan ng mga SB Secretaries sa 11 bayan at nag-iisang lungsod sa ating lalawigan na pansamantalang natigil dahil sa pandemya.

Sa pamamagitan nito ay magkakapalitan sila ng mga kuro-kuro at best practices upang mas mahusay na maihanay ang kanilang mga programa at serbisyo para sa bayan.

Makatutulong din ito para sa mas episyenteng pamamaraan sa paggawa ng mga resolusyon at ordenansa, maging ang napapanahong pagsusumite ng mga ito sa Sangguniang Panlalawigan.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares