banner

Virtual graduation ng Samal Day Care Children

Written by
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Pitong daang (700) batang Samaleno ang nagtapos ng kanilang pag aaral sa day care center sa idinaos na kauna-unahang virtual graduation nitong nakaraang linggo sa bayan ng Samal.

Ang nasabing virtual graduation, sa pangunguna ni Samal Municipal Social Welfare and Development Officer Mercedes Cuenca ay nilahukan ng mga batang nag-aaral sa 23 day care centers sa nasabing bayan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Aida Macalinao na bagama’t ipinagkait sa mga batang Samaleno ang kaligayahan ng isang pisikal na sosyalisasyon dahil sa hindi nila naranasan ang face to face na klase bunga ng pandemyang nararanasan natin ngayon, naniniwala pa rin siya na marami silang natutunan sa kakaibang sistema ng pag aaral na iyon.

Ang virtual graduation ay idinaos via live streaming sa Facebook.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares