Pinangunahan ni Mariveles Mayor AJ Concepcion ang pagbibigay ng direksyon sa mga plano ng kanilang bayan hinggil sa nutrisyon.
Naging goal ng Municipal Nutrition Council ang ZERO Malnutrition sa 2030, na wala na umanong magiging kaso ng malnutrisyon pagdating ng taong 2030.
Ito ay base sa ginanap na 3-day Program Implementation Review and Strategic Planning ng mga miyembro ng Municipal Nutrition Council sa Clark Freeport Zone noong huling linggo ng Enero.
Binalangkas sa nasabing 3-day strategic planning ang short and long term integrated and holistic plan upang masiguro ang pagbibigay ng tamang nutrisyon sa mga batang nasa sinapupunan pa lamang ng ina hanggang sa paglaki nito kaakibat ang lahat ng aspeto ng kalusugan ng nasabing sanggol o bata.
Dinaluhan ang mahalagang gawaing ito ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Committee on Health sa pangunguna ni Konsehal Ivan Ricafrente, kinatawan ng MSWD Mariveles, DepEd at ng Municipal Council for the Protection of Children.