-
Jonie L. Capalaran / 12 years
- 0
- 2 min read
LIMAY, Bataan – Pangungunahan nina Limay Mayor Lilver Roque, Vice-Mayor Eufemia Roxas, Sangguniang Bayan Members, Barangay Captain at mga guro habang panauhing tagapagsalita naman si Bataan Governor Albert Garcia ang pagpapasinaya sa mahigit P35 milyong halaga ng gusaling pampaaralan na itinayo sa kahabaan ng National Road Barangay St. Francis lI, Limay, Bataan sa ika-16 ng buwang kasalukuyan.
Ayon kay Rudy Gomez, Limay Municipal Consultant, itinayo ang dalawang bagong gusali na mayroong 20 silid aralan sa compound ng St. Francis Elementary School na may lawak na halos 1.4 hectares. Idinagdag pa ni Gomez na ang lahat ng mga mag-aaral sa elementarya na nasa Bacong Elementary School ay ililipat sa St. Francis Elementary School habang ang Bacong Elementary School ay gagawing St. Francis High School