Negosyo sa Balanga matatag pa rin
Matatag at patuloy sa paglago ang negosyo sa Lungsod ng Balanga, ayon kay City Treasurer Joselito Evangelista. Sinabi ni Evangelista na hindi malayong makamit ng Balanga ang tinatayang kita na P1.5 bilyon ngayong 2021. Noong nakaraang taon ang Balanga ay kumita ng P1.4 bilyon. “Hindi naman gaanong naapektuhan ng pandemya ang mga negosyo sa Balanga. […]









