banner

P400 milyong Limay General Hospital, sisimulan nang itayo

Written by
P400 milyong Limay General Hospital, sisimulan nang itayo
  • Mhike R. C.
  • 2 months ago

Pormal na isinagawa nitong Biyernes ng hapon ang groundbreaking at capsule laying ceremonies ng itatayong Limay General Hospital (LGH) sa Brgy. St. Francis II, Limay, Bataan. Pinangunahan ito nina Governor Joet Garcia, Bataan 2nd District Rep. Abet Garcia, Limay Mayor Nelson David, Vice Mayor Richie David, DPWH District Engr. Ulysses Llado ng 2nd District, Limay SB Members, iba pang opisyal and concerned sectors, at si Atty. Ryan Tan ng Fiesta Communities na siyang nagdonate ng lupa para sa naturang proyekto.

Napondohan ito sa bisa ng batas na ipinanukala noong Kinatawan pa ng 2nd District si Gov. Joet Garcia, ang HB no. 8759 o ang “Act Establishing in the Municipality of Limay, Province of Bataan to be known as Limay General Hospital.” Bukod sa DPWH ay tumulong din ang provincial government ng Bataan at Limay LGU para mabuo ang pondo para maitayo ito. Ayon kay Mayor David, hindi lang aniya mga taga Limay ang maseserbisyuhan nito kundi maging mga kalapit na bayan kagaya ng Orion at Mariveles. Inaasahang matatapos ang LGH sa loob ng isang taon.

Article Tags:
·
Article Categories:
Health

Leave a Reply

Shares