7 super health centers itatayo sa Bataan

Ipinagmalaki ni Senator Bong Go na 7 ang itatayong Super Health Centers sa Bataan, dalawa mula sa pondo ng taong 2022 at lima ngayong 2023, na kung susumahin ay umabot na sa 322 super health centers ang naipatayo niya sa buong Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Senator Go na ang super health center ay isang medium type of a polyclinic, mas malaki sa rural health center pero mas maliit sa ospital, na kung saan ang mga serbisyong pwedeng gawin dito ay birthing o panganganak, dental, mga laboratories at iba pa, kapag nai- turn over na umano ito sa local government unit ay pwede umano nilang paunlarin ito, halimbawa lagyan ng dialysis center at iba pang serbisyo.

Naging obserbasyon umano ni Senator Bong Go na sa malalayong lugar kailangang itakbo pa sa pinakamalapit na ospital sa bayan ang manganganak na kung magkaminsan dahil sa layo ay sa tricycle o sa jeep na napapaanak ang babae.

Nilinaw din ni Senator Go na hiwalay na serbisyo ang super health center sa Makasakit Center, dahil ito umano ay isa nang ganap na batas sa tulong pa rin ni Cong Garcia.

Ang Malasakit Center ay nasa loob mismo ng ospital at may apat na ahensya ng gobyerno (DOH, PhilHealth, PCSO at DSWD) na tumutulong para halos ay wala nang bayaran sa hospital bills ang indigent na pasyente.

Hinikayat din ng mabait na Senador na kung talagang kailangang dalhin sa Maynila ang pasyente para operahan, ay bukas umano ang kanyang opisina para tulungan ang ating mahihirap na kababayan.

Leave a comment