News

83 Bataeno, nakatanggap ng negosyo packages mula sa DTI-PPG

0

Pinangunahan nina Gov. Abet Garcia, Cong. Joet Garcia, Balanga City Mayor Francis Garcia at Cong. Geraldine Roman ang pamamahagi ng negosyo packages sa 83 benipisyaryo mula sa dalawang distrito ng lalawigan sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ng DTI.

Ayon kay DTI-Bataan Provincial Director Nelin Cabahug ang PPG ay programa ng DTI sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Senator Bong Go, para makapagbigay ng puhunan sa ating maliliit na negosyante na naapektuhan ng pandemya. Dagdag pa ni PD Cabahug na maraming negosyante natin ang nahihirapang bumalik sa pagnenegosyo. Subali’t sa kakulangan ng pondo ay pinili na lamang nila ang pwedeng mabigyan ng mga produkto na nagkakahalaga ng sampung libong piso bawat isa, para sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Gov.Abet Garcia na napakalaking tulong sa mga maliliit nating negosyante ang ibinigay ng DTI sa programang PPG para maiahon muli ang kanilang mga sarili, mga pamilya at ang ating ekonomiya.
Muling ipinaalala ni Gov. Abet na bagama’t tayo ay nasa new normal na, nandyan pa rin umano ang banta ng COVID-19 kung kaya’t kinakailangan pa rin ang pag-iingat at sundin ang mga health protocols.

Upang mapabilis umano ang mga transaksyon sa negosyo, ibinahagi naman ni Cong Joet Garcia ang kanyang panukalang batas sa pagpapalawak sa paggamit ng E-Wallet tulad ng Gcash, PayMaya atbp. upang maiwasan na rin ang pwedeng hawahan ng COVID -19, gayundin, maging ligtas, mabilis at mapalawak pa, online ang kanilang mga Negosyo.
Pinasalamatan naman ni Cong. Geraldine Roman sina DTI Sec. Mon Lopez, Sen Bong Go at mga opisyal sa lalawigan sa patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan upang tugunan
ang kanilang mga pangangailangan partikular na sa unang distrito.

Ikinatuwa ni City Mayor Francis Garcia ang natanggap ng kanyang mga kapwa Balangueno at ibinalitang mula pa nung naglockdown bagama’t may mga nagsara ay marami rin umano ang nagdagdag ng mga manggagawa tulad ng GenPact na dati ay 500 ngayon ay 800 na, ang bagong bukas na major call center sa Balanga na may 130 kawani at ang US based start-up na Bootkeeper na dati ay 130 lamang ang empleyado, ngayon ay 180 na at maganda ang pasahod.
Bumati rin via zoom sina Sec. Mon Lopez ng DTI, Se. Bong Go at RD Judith Angeles ng DTI.

MDH molecular laboratory opens soon

Previous article

COVID-UPDATE: OCTOBER 27, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News