COVID-19 News

“85% ng prevention nasa mga kamay natin”

0
Ito umano ang malinaw na sinabi ni Sec. Galvez ng IATF, sa isang pulong na ginanap sa Clark na dinaluhan ni Gob. Abet Garcia. Ayon kay Gob. Garcia, halimbawa, isa kang APOR (authorized person outside of residence) na nagtatrabaho sa Maynila at linggu-linggo, umuuwi ka sa Bataan; kung hindi ka nag-ingat at nahawa ka, at pag uwi mo sa iyong pamilya ay hindi ka nag-self isolate o ginawa ang minimum health protocols, tiyak maihahawa mo ang iyong pamilya.
Prevention is the name of the game dito sa COVID, ayon pa sa magiting na gobernador, na kung magsisinop at didisiplinahin lang umano natin ang ating mga sarili, dapat yong 85% ng ating mga kaso ay naiwasan sana natin. Kung kaya’t matindi ang pakiusap ni Gob. Abet sa ating mga kababayan; hinihingi niya ang pang-unawa, kooperasyon, disiplina at pagsunod ng lahat sa mga health protocols nang sa gayon ay hindi na masyadong mapagod pa ang ating mga health workers at frontliners na ilang buwan na ring nagsasakripisyo.

Mass testing, isinasagawa na sa lalawigan

Previous article

Bayanihan Grant to Provinces

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply