Programang pangkabuhayan, inilunsad

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Kamakailan lang ay inilunsad ni Balanga City Mayor Francis Anthony Garcia ang isang programang pangkabuhayan upang madagdagan ang kita ng ating mga kababayang walang trabaho.

Memorial park sa Pilar, tapos na

PILAR, Bataan – Halos magdadalawang taon na ang nakalilipas mula nang ipasok ang panukala na maglagay ng isang Memorial Park sa Barangay Bagumbayan, at ngayon ito ay halos isandaang porsiento nang tapos. Naratipikahan ng konseho noong 2012 ang naturang proyekto at nagkasundo ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Pilar na pondohan ito ng halagang mahigit […]

Abucay water district, itatayo

ABUCAY, Bataan – Aabot sa P80 milyong piso ang inilaan na pondo sa itatayong Abucay Water District sa Barangay Calaylayan, malapit sa Roman Expressway, ng bayang ito. Pasisimulan ang proyekto pagkatapos ng halalan sa Mayo 9.

Takbo para sa kapayapaan ng halalan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Bukas sa lahat, kabilang ang mga pulitikong kumakandidato sa lalawigan ang ilulunsad na Run for Safe 2016 (Secure and Fair Election 2016) ng Bataan Police Provincial Office sa ika-23 ng April sa ganap na 4:30 ng madaling araw sa Plaza Mayor de Balanga.

Ika-74 na Araw ng Kagitingan, ginunita

PILAR, Bataan – Muling sinariwa ng sambayanang Pilipino ang ika-74 na taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa tuktok ng bundok Samat noong Sabado ng umaga sa Barangay Diwa sa bayang ito.

Problema sa trapik, maiibsan na!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sinisimulan na ng pamahalaang panlalawigan ang paggawa ng mga alternatibong daan para maibsan ang pagbubuhol ng trapiko lalo na sa umaga at dapit hapon sa kahabaan ng Capitol Road sa lungsod na ito.

Guinness world record, nasungkit ng Balanga

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga ang Guinness World Record sa World’s Largest Dance Fitness Class (#Hataw Balanga) kaninang alas 6:00 ng umaga na isinagawa sa Enrique Garcia Sr. Avenue (EGSA 4 Lanes) sa Barangay Tuyo, ng Lungsod na ito.

Pocket parks sa Balanga, bubuksan na!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hindi man matapos sa buwan ng Abril makasisiguro ang mga mamamayan ng Lungsod na matatapos ang konstruksyon ng Pocket Parks sa kahabaan ng Barangay San Jose sa pagpasok ng buwan ng Mayo, taong kasalukuyan.

Base camp sa Tarak Ridge, itatayo

MARIVELES, Bataan – Magtatayo ng permanenteng Base Camp ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa paanan ng Tarak Ridge sa Barangay Alas-Asin ng bayang ito.

Consumerism, patuloy na isinusulong ng DTI

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Patuloy ang kampanya ng Department of Trade and Industry (DTI) sa tulong ng Bataan Consumer Affair Council laban sa paggamit ng mga timbangan na hindi properly calibrated, sa lahat ng mga palengke sa buong lalawigan ng Bataan.