2013 Most Outstanding Municipality,nakamit ng Morong

BALANGA CITY, Bataan – Dahil sa matagumpay  at epektibong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon, itinanghal ang bayan ng Morong bilang 2013 Most Outstanding Municipality in the Province, na siyang  tumapos sa tatlong sunod na taong pamamayagpag ng bayan ng  Bagac.

Ayon kay PHO chief Dr. Rosanna Buccahan, layunin ng isinagawang ebalwasyon sa mga bayan na suriin ang kahusayan ng mga planong pangnutrisyon sa pamamagitan ng mga proyektong nagawa at sa suporta na rin ng mga lokal na pinuno at ibang ahensya. Isa pang batayan para makamit ang parangal ay ang pag-inam ng timbang ng mga preschool at school children sa evaluation year at sa nakalipas na dalawang taon.

Araw ng Kagitngan, pinangunahan ni Pnoy sa Bataan

   PILAR, Bataan- “ Kahit maliit lang tayo, kung tama tayo, lalaban tayo”. Ito ang malakas na mensaheng ipinarating ni Pangulong Aquino sa mga beterano noong World War II, kaalinsabay sa selebrasyon ng Araw ng Kagitingan na ginanap sa Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

   Kasama ni Pangulong Aquino nba dumalo sa naturang pagdiriwang sina US Ambassador Phillip Goldberg , Japanesse Ambasador Toshinao, kabilang ang lokal na opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Gov. Albert S. Garcia, kung saan ginunita ang katapangan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Hapon noong World War II.

Araw ng Kagitingan, pinangunahan ni Pnoy sa Bataan

PILAR, Bataan-  “ Kahit maliit lang tayo, kung tama tayo, lalaban tayo”.

   Ito ang mariing mensaheng ipinarating ni Pangulong Aquino sa mga beterano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaalinsabay sa ika-72 taong selebrasyon ng Araw ng Kagitingan, kung saan ginunita ang katapangan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Hapon noong nasabing digmaan, na ginanap sa 

   Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

   Kasama ni Pangulong Aquino na dumalo sa naturang pagdiriwang sina US Ambassador Phillip Goldberg , Japanesse Ambassador Toshinao Urabe, kabilang ang mga lokal na opisyal ng Lalawigan sa pangunguna ni Gov. Albert S. Garcia.  

Modernong silid-aklatan, binuksan sa Balanga City

BALANGA CITY – Binuksan na kamakailan ng pamahalaang lungsod ng Balanga ang bago nitong City Library na sadyang itinayo malapit sa mga commercial mall upang mahimok ang mga bata pabalik sa pagbabasa.

Ang tatlong palapag, na may 300 metro kwadradong library na binuo bilang bahagi ng city hall ay napaliligiran ang gusali ng mga pangunahing shopping center sa lalawigan gaya ng Center Plaza Mall, Galeria Victoria, Ocampo’s Mall, at ang bubuksang Plaza de San Jose Building.