“Ugnayan sa bagong taon” sa Pagpapatupad sa tungkulin ng PNP at BFP

Upang muling sariwain ang pagpapatupad ng tungkulin sa pagitan ng PNP at BFP ay ipinatawag ang dalawang mahalagang ahensya sa opisina ni Mayor Charlie Pizarro.   Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, sa unang linggo pa lamang ng bagong taon ay nagsagawa siya ng “Ugnayan sa bagong taon” para sariwain ang pagpapatupad ng mahalagang tungkulin sa […]

Cong Jett Nisay, ilulunsad “Kalusugan Campus Caravan”

Binisita kamakailan ni Cong Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist si Dr. Francisco Hermoso, Pinuno ng Bataan Provincial Health Office para suportahan ang mga inisyatibang pangkalusugan sa Bataan.   Ayon kay Cong Jett, inilahad niya sa mga opisyal ng Bataan Prov’l Health Office na nais niyang ilunsad ang kanyang programa na “Kalusugan Campus Caravan” na […]

Vice Gov. Cris, dama ang suporta sa SOPA ni Gov. Joet

Vice Gov. Cris, dama ang suporta sa SOPA ni Gov. Joet

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Bataan Foundation Day, nitong nakaraang Sabado, sinabi ni Vice Gov Cris Garcia na, kasama ang mga kaanib ng Sangguniang Panlalawigan ay patuloy  silang magpapatupad ng mga proyekto at programang pangkaunlaran at magbabalangkas ng mga batas at alituntunin  na lalo pang ikagaganda, ikaliligtas at ikagiginhawa ng buhay ng bawat pamilyang […]

Bagong Guiness World Record, hamon ni Gov Joet sa TFG

Bagong Guiness World Record, hamon ni Gov Joet sa TFG

Sa kanyang State of the Province Address (SOPA) nitong nakaraang Sabado, sinabi ni Gov. Joet ang mga hamon na kailangang tutukan upang madama ng ating mga kababayan ang patuloy na pag asenso ng lalawigan. Pinakamalapit sa kanyang puso ay ang programang pangkalusugan, na naging prayoridad niya, lalo na ang mga sakit na pwede naman sanang […]

Pagpapatupad ng Bataeño Pass, sisimulan na

Pagpapatupad ng Bataeño Pass, sisimulan na

Isa sa mahalagang programang ilulunsad sa taong ito, ayon kay Gov. Joet Garcia sa kanyang SOPA ( State of the Prov. Address) nitong nakaraang Jan. 10, 2026 kasabay sa pagdiriwang ng ika-269 na taong Anibersaryo ng Bataan Foundation day, ay ang pagpapatupad ng Bataeño Pass na isang sistema upang mas mapabilis at mas maging episyente […]

Hermosa, nagbigay suporta sa mga Brgy. Tanod

Hindi kinalimutan ni Mayora Anne Inton ng Hermosa, ang mahalagang ambag ng mga barangay tanod sa kani-kanilang mga komunidad kung kaya’t ginawa silang mga benipisyaryo ng suportang pinansyal nitong nakaraang Kapaskuhan. Ayon kay Mayora Anne Inton, saludo siya sa matapat na sebisyo, sipag at tiyaga sa walang sawang paglilingkod ng mga barangay tanod sa kani-kanilang […]

MCRO ng Mariveles, pinarangalan ng PSA

Pinarangalan ng Bataan Provincial Statistics Authority office, ang Municipal Civil Registry Office (MCRO) ng Mariveles sa pamumuno ni Municipal Civil Registrar Roseller Romero, sa nakaraang Bataan PSA 2025 Gawad  Estadistika Awards na may temang, “Building a Resilient, Agile and Future Fit Civil Registration and Vital Statistics”  na ginanap noong ika-23 ng Disyembre sa Plaza Hotel […]

Tatlong LGUs sa Bataan, pinarangalan sa FishCa Awards

Tatlong (3) Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Bataan ang pinarangalan sa 2024 Fisheries Compliance Audit ( FishCa) National Awards. Ang Ikalawang Gantimpala ay nakuha ng Lungsod ng Balanga, Ikatlong Gantimpala naman ang nakuha ng bayan ng Samal samantalang Ikalimang Gantimpala ang nakuha ng bayan ng Pilar. Ang nasabing tagumpay ay patunay ng matibay […]

Brgy. Bilolo, Pinakamahusay na Lupong Tagapamayapa sa bayan ng Orion

Isinagawa ng bayan ng Orion ang pinagsamang ika-4 na Quarter ng 2025 na pulong ng Municipal Peace and Order Council ( MPOC), Municipal Anti-drug Abuse Council ( MADAC) at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( MT-EKCAC) noong ika -9 ng Disyembre sa conference hall ng kanilang MDRRMO building sa Brgy. Sto. […]

Mga bata sa Orani, tumanggap ng regalo mula kay Santa

Tunay ngang ang Pasko ay para sa mga bata dahil ang Pamahalaang Bayan ng Orani sa pamumuno ni Mayor Jon Arizapa ay namigay ng mga laruan sa mga bata.   Kita sa mga ngiti ng bawat batang nakatanggap nang regalo mula kay Santa ang saya, na di pa man dumarating ang talagang araw ng Pasko […]