banner

Bakunahan sa 1Bataan FABakuna Center, ongoing na!

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 months ago

Nagpapatuloy ang operasyon ng bakunahan kontra COVID-19 sa 1Bataan FABakuna Center (1Bataan FABCen) sa bago nitong pasilidad na matatagpuan na ngayon sa dating triage area ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB).

Sa isang media statement mula sa AFAB, bukas pa rin anila ito para sa mga manggagawa sa FAB, rest of the pediatric population (ROPP) o mga edad 5-17, gayundin sa general population o lahat ng edad 18 pataas.

Sa kasalukuyan, umabot na sa higit 65,000 doses ang mga bakunang naiturok sa nasabing pasilidad.

Samantala, patuloy namang hinihimok ng AFAB ang lahat ng hindi pa bakunadong indibidwal sa naturang economic zone na samantalahin ang pagkakataong magbakuna dahil patuloy pa rin ang banta COVID-19.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares