banner

Barangay Day of Prayer

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

Nawalan man ng magarbong pagdiriwang ang kapistahan ni Apo Kulas o St. Nicholas de Tolentino dahil sa pandemya, ay mas pinili ng mga taga barangay San Carlos, bayan ng Mariveles na gawin itong ” Barangay Day of Prayer” na idineklara ng Sangguniang Barangay para sa sama-sama nilang panalangin para mapawi ang pandemya.

Ayon kay Punong Barangay Ivan Ricafrente, sa barangay day of prayer ganap na ika- 8 ng gabi ay pinatunog nila ang kanilang public address (PA) system bilang hudyat ng sama-samang panalangin ng buong mag anak sa buong barangay para matapos na ang paghihirap ng lahat laban sa pandemya gayundin ang panalangin na makatuklas na ng bakuna o gamot para dito.

Hinikayat din ni PB Ricafrente na magtulos ng kandila ang bawat pamilya sa labas ng kanilang tahanan bilang panalangin kay Apo Kulas at sa Panginoong Hesukristo na bigyan na ng liwanag ang lahat para mapuksa ang kadilimang lumulukob dala ng pandemya.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
Municipalities · News

Leave a Reply

Shares