News

Bawal ang sugal sa Bataan

0

Nilagdaan kamakailan ni Gobernador Albert Garcia ang Resolusyon Blg. 25 ng Bataan IATF na mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng ilegal na pagsusugal sa buong Lalawigan.

Ang hakbang na ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa ating mga komunidad; upang maiwasan ang pagkukumpol-kumpol ng mga tao na nagiging dahilan ng hawahan.
Nakasaad sa nasabing resolusyon na ang mga opisyal ng barangay at mga kawani ng PNP na mapatutunayang lumabag o nagpabaya sa tungkulin ay maaaring matanggal sa tungkulin o patawan ng preventive suspension.

Patuloy ang paghingi ni Gob. Abet ng malawak na pang-unawa, malasakit sa kapwa at pakikiisa sa mga tagubilin ng pamahalaan upang sama-samang mapagtagumpayan ng mga Bataeno ang labang ito sa COVID-19.

SB Mariveles calls for family unity against COVID-19

Previous article

BBJVI sends support to PGB, 2 villages in Mariveles

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News