News

Bayaning Manggagawa tampok sa CSC 120th Anniversary

0

Isang month-long activity ang ihinanda ng Civil Service Commission sa pamumuno ni G. Edgardo Cruz, head ng CSC Bataan at ng Council of Personnel Officers of Bataan sa pangunguna ni G. Aaron Cortez Rondilla, HR officer ng bayan ng Samal, sa ika- 120 taong anibersaryo ng CSC na may temang, “Philippine Civil Service @ 120: Public Sector in the Age of Digital Transformation”. Sa paliwanag ni G. Cruz, na ang Human Resource Management and Development Office ay kinakailangang maging competitive at responsive sa pangangailangan ng kanilang mga kliyente sa makabagong panahon ng teknolohiya.

Ayon pa kay Cruz, ang kanilang mga gawain ay karaniwang gaganapin online tulad ng VLOGYANIHAN, isang 1-2 minutes running time, na nagpapakita ng vlog ng mga ahensya ng gobyerno sa lalawigan na may temang Victory over adversities, Love over hopelessness, Opportunity over fear and Grace over crisis, para sa unang linggo ng Setyembre. Bukod sa vlog ay mayroon ding photogragphy contest sa pareho ding tema, Project Hero, kung saan ito ay sama samang pagbibigay ng iba’t ibang kulay o mensahe mula sa mga opisyal ng bayan at Gawad Empleyado para sa huling linggo kung saan ito ay pagbibigay parangal sa mga empleyado at mga nanalo sa contest.

Magkakaroon din ng online job fair ng public at private sectors na gaganapin sa Sept. 18 (whole day), online wellness- stress de-briefing, reflecting and sharing, at mga online learning and development courses. Inaanyayahan ni G. Cruz ang lahat ng mga empleyado ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na makiisa sa kanilang pagdiriwang, ito umano ay sabay-sabay na ginaganap sa lahat ng mga sangay ng CSC sa buong bansa.

COVID-UPDATE: AUGUST 30, 2020

Previous article

COVID-UPDATE: AUGUST 31, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News