banner

Coast Guard ‘illegal’ recruitment ilalagay sa ayos

Written by
  • Greg R.
  • 4 weeks ago

Ilalagay sa tamang proseso ang sinasabing illegal recruitment ng mga auxiliary o volunteers ng Philippine Coast Guard.

Ito ang paliwanag ni Abucay town Mayor Robin Tagle sa isang panayam noong Biyernes kasama si Commander Jonathan Serote ng Coast Guard Bataan.

Iniimbestigahan ng Coast Guard ang lumabas na ulat sa social media, ukol sa umano’y illegal recruitment activity sa Bataan para maging kasapi ng PCG Auxiliary.

Sinabi ni Commander Serote na umabot sa 487 residente ng Abucay, Morong, at iba pang bayan ng Bataan ang sumapi sa training course para maging kasapi sa Coast Guard Auxiliary na magiging volunteer sa tuwing may kalamidad.

Sinabi ni Mayor Tagle na mayroong miscommunication o hindi pagkakaintindihan sa pamunuan ng PCG sa Manila kung kaya’t lumabas ang isyu tungkol sa illegal recrutment.

“Tutulungan na lang natin maisaayos ang lahat para naman hindi masayang ang pinaghirapan ng mga tao,” paliwanag pa ni Mayor Tagle.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares