Ito sa ngayon ang ginagawa ni Pusong Pinoy Partylist Representative Jett Nisay, ang pagsasagawa ng municipal tour sa bawat bayan sa buong Bataan.
Isa sa binibigyang diin niya sa nasabing tour ay ang Health Promotion Board Ordinance kung saan nakapaloob ang mga programang pangkalusugan tulad ng anti-smoking, Tobacco- Free Generation at Expansion ng University Town Ordinance na inilunsad niya noong siya ay konsehal pa ng Lungsod ng Balanga taong 2015 at 2019.
Unang binisita ni Cong Jett ang bayan ng Mariveles kung saan ay dumalo siya sa sesyon ng Sangguniang Bayan para ipaliwanag ang kanyang adbokasiya na makatulong na mapalawak pa ang programa sa kalusugan para sa ating mga kababayan partikular na sa mga kabataan.
Lahat ng bayan ay bibisitahin ni Cong Jett Nisay upang makapagbahagi ng dagdag na kaalaman kaugnay sa kanyang adbokasiya.