COVID-UPDATE: OCTOBER 16, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-16 ng Oktubre, umabot na po sa 2,607 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, dalawampu’t apat (24) ang mga bagong nakarecover at 384 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na labing tatlo (13) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Mariveles
2. Isang 28 taong gulang na babaeng health worker mula sa Mariveles
3. Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Orani
4. Isang 51 taong gulang na babae mula sa Hermosa
5. Isang 12 taong gulang na babae mula sa Hermosa
6. Isang 8 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
7. Isang 14 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
8. Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
9. Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Samal
10. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Samal
11. Isang 66 na taong gulang na babae mula sa Orani
12. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
13. Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Pilar

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
14. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
15. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
16. Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Orani

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,280 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 40 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
2. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 37 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
5. Isang 40 taong gulang na babae mula sa Limay
6. Isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Limay
7. Isang 22 taong gulang na babae mula sa Limay
8. Isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
9. Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
10. Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
11. Isang 65 taong gulang na babae mula sa Mariveles
12. Isang 44 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
13. Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
14. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
15. Isang 69 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
16. Isang 12 taong gulang na babae mula sa Mariveles
17. Isang 46 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
18. Isang 60 taong gulang na babae mula sa Mariveles
19. Isang 38 taong gulang na babae mula sa Mariveles
20. Isang 9 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
21. Isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
22. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
23. Isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
24. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Orani

Ang kabuuang bilang ng active cases ay 279 at lahat sila ay naka isolate na; apatnapu’t walo (48) ang pumanaw na; 215 ang naghihintay ng resulta ng test; 22,561 ang nagnegatibo na at 284 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 25,383 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ☝️

Leave a comment