banner

Drainage system sa Alion inaayos

Written by
  • Greg R.
  • 3 months ago

Upang maiwasan ang baha at dengue, sinisinop ni Punong Barangay Al Balan ang drainage system sa Alion, Mariveles, Bataan.

Dumating kamakailan ang mga concrete culvert na gagamitin sa pagsasaayos ng kanal na dadaluyan ng tubig-baha. Dahil dito labis-labis ang pasasalamat ni Kap. Balan kay Third Dist. Congresswoman Gila Garcia, Congressman Abet Garcia at Bataan Gov. Joet Garcia.

Sinabi ni Balan na magiging mahigpit ang pamunuan ng barangay sa pagpapatupad ng mga ordenansang pang-barangay na may kinalaman sa katahimikan at kaayusan.

Ipatutupad din ang ordenansa tungkol sa maayos na pagtatapon ng basura o waste disposal upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares