News

DTI, namahagi ng livelihood kits

0

Umabot sa 136 na Bataeno mula sa 17 barangay sa 8 bayan ng ating Probinsya ang nabahaginan ng tulong sa programang “Negosyo Serbisyo sa Barangay” ng Department of Trade and Industry DTI.

Sa pahayag ni DTI Provincial Director Nellin Cabahug sa Kapihan na ginanap sa Remedios Cafe sa Barangay Central ang kanilang ahensiya ay namahagi ng livelihood kits na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa, sa mga benipisyaryo segun sa kanilang kakayahan sa pagnenegosyo.

Nagbigay din ng karagdagang working capital sina Samal Mayor Aida Macalinao ng halagang tig P3,000 sa 16 nilang benepisyaryo Balanga City Mayor Francis Garcia ng tig P3,000 sa kanilang 48 benepisyaryo at Orion Municipal Mayor Tony Peps Raymundo ng tig P5,000 sa 8 nilang benepisyaryo.

Sinabi pa ni PD Cabahug na bukod sa programang ito mayroon din silang proyektong “Kabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa” na makatutulong din sa ating mga kababayan na kanilang ilulunsad ngayong taon.

DTI opens 11th Negosyo Center in Bataan

Previous article

Ika-11 Negosyo Center binuksan sa bayan ng Limay

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News