banner

Healthy school setting inilunsad

Written by
  • Zeny S.
  • 10 months ago

Para baguhin ang lifestyle ng mga kabataan, inilunsad noong Lunes sa Mabatang Elementary School sa Abucay at noong Martes, sa Dona Victoria Elem. School sa Pilar sa pangunguna ni Gov.Joet Garcia ang Bataan Healthy School Setting.

Ayon kay Gov. Joet Garcia, sa unang pagkakataon ilulunsad sa apat na paaralan sa Bataan ang nasabing programa para sa mas malusog at matatag na kabataang Bataeño.

Ipinaliwanag din ni Gov Joet sa kanyang mensahe na, nakasaad sa Universal Health Law na sa mga paaralang tinatawag na healthy school setting ay matututunan ng mga bata ang tama at mali, at maisasabuhay ang healthy lifestyle.

Nakapaloob din sa nasabing programa ang iba’t ibang adbokasiya na makatutulong para maging malusog ang mga sa isip at pangangatawan ng mga kabataan gaya ng turn- over ng platong Bataeno para sa mga masustansyang pagkain upang mag go, glow and grow; tobacco free generation (TFG) advocacy para sa murang idad ay matutunan na ang ang masamang epekto ng paninigarilyo; Zumbataan para sa ehersisyo; iba’t ibang modules sa gulayan sa paaralan, Nutriswela; Agrilecture; healthy cooking; mental health is cool; benefit of active lifestyle at healthy classroom.

Ibinalik naman ng mga kinatawan ni Cong Jette Nisay ng Pusong Pinoy, ang mga larong Pinoy tulad ng tumbang preso, karera sa sako, cadang-cadang at iba pa, na ikinasiya ng mga bata.

Naging tampok sa nasabing gawain ang Healthy Lunch para sa lahat ng mga mag- aaral, pinag tulung-tulungan ng DEPed, Pamahalaang Lalawigan at iba pang grupo na nais tumulong para baguhin ang paraan ng pamumuhay ng mga kabataan.

Nakasama din sa nasabing paglulunsad sina Abucay Mayor Robin Tagle, Pilar Mayor Charlie Pizarro, mga guro sa pangunguna ni Dr.Roland Fronda ng DepEd, Cong Geraldine na kinatawan ni Bokal Tonyboy Roman, Vice Gov Cris Garcia, at mga doktor.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares