News

Kaunlaran ng Brgy. Sumalo, matutupad na

0

Ang kaunlarang matagal nang inaasam ng mga taga Barangay Sumalo sa bayan ng Hernosa ay kanila nang makakamtam, matapos pagtibayin ng Municipal Trial Court ng Dinalupihan-Hermosa, ang desisyon na pumapanig sa Riverforest Development Corporation (RDC) laban sa 18 unlawful detainers noong ika-2 ng Hunyo.

Kinatigan din ng Court of Appeals ang desisyon ng Regional Trial Court Branch 96, na pumapabor sa pagpapaalis sa mga unlawful detainers na siyang lumalason sa kaisipan ng mga mamamayan sa barangay para harangin ang plano ng pag-unlad nito.

Dahil sa nasabing desisyon ng korte na muling kinikilala ang RDC na kumakatawan sa Pamilya Litton bilang tunay at legal na may-ari ng malalaking parsela ng lupa sa Sumalo.
Ayon kay G. Dani Beltran, Estate and Community Development Manager ng RDC, “Mananatili ang barangay sa kinalalagyan nito at ipamamahagi na sa mga lehitimong taga Sumalo ang mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay at sila mismo ang makikinabang sa nakaplano nang pag-unlad ng Brgy. Sumalo”.

Matatandaang nagkaroon ng problema sa Sumalo dahil sa mga unlawful detainers, sa pamumuno ng Punong Barangay ng Sumalo na si G. Rolando Martinez, na nagsampa ng kaso laban sa pamilya Litton para mabalewala ang pagmamay-ari nila sa malalaking parsela ng lupa doon.
Samantala, halos maiyak sa tuwa ang maraming residente ng Sumalo matapos malaman ang desisyon ng korte gayundin sa pahayag ng RDC

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi totoo

Previous article

Gov. Abet Garcia inks commitment of support with DICT

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News