banner

Likha ng Bataeños Trade Fair binuksan sa Balanga City

Written by
  • Mhike R. C.
  • 1 month ago

Pormal na binuksan nitong Miyerkoles ang Likha ng Bataeños Trade Fair ng DTI Bataan sa Waltermart Balanga City, Bataan.

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, umabot sa 49 ang mga exhibitors na sumali sa nasabing trade fair na nagtatampok ng mga produktong Bataeño mula kahapon, Oktubre 27 hanggang sa Biyernes, Oktubre 29, 2021 Sa naturang bilang, 33 ang food products at 16 naman ang non-food na mga micro, small at medium enterprises o MSMEs ng Bataan.

Nitong katatapos na Likha ng Central Luzon Trade Fair na ginanap naman sa SM City Olongapo Central ay nakapagtala ng P922,301 halaga ng benta o sales ang mga lumahok na MSMEs ng Bataan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
Business · News

Leave a Reply

Shares