Tiniyak ni Gobernador Albert Garcia na mabibigyan ng sapat na pagkain ang mga residente sa siyam (9) na barangay sa Mariveles na isinailalim sa lockdown simula kapahon, ika-12 ng Setyembre hanggang sa ika-26 ng kasalukuyang buwan. Layon ng hakbang na ito na mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ito ay ang mga Barangay Poblacion, Camaya, Maligaya, San Carlos, San Isidro, Sisiman, Balon Anito, Ipag at Malaya. Ayon kay Governor Garcia bubuksan muli ang Kusina sa Barangay upang masuportahan ang mga residente ng mga lutong pagkain na ihahatid ng mga frontliners.
Pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gob Abet at ng pamahalaang lokal ng Mariveles ang pamamahagi ng relief goods sa naturang mga barangay. Pakiusap lamang ng Ama ng Lalawigan ang mas malawak na pang-unawa, kooperasyon at disiplina ng bawat isa.
“Sumunod po tayo sa mga protocol na ipinatutupad ng pamahalaan nang sa ganoon hindi na masyadong mahirapan ang ating mga health workers at frontliners” ani pa Gobernador Garcia.