Sa pamumuno ni Mayor Raquel Garcia, nagisponsor ang City Government of Balanga ng isang Leadership Training na ginanap sa Tourism Pavillon nitong nakaraang buwan, kung saan ay nagsama-sama ang mga kabataang lider mula sa Senior High at Kolehiyo sa Lungsod ng Balanga, ang
Isa sa tumatak na inspirasyon sa mga Kabataan ay ang personal na partisipasyon nina Mayor Raquel at Vice Mayor Francis Garcia ng Balanga City sa kanilang paglalahad ng karanasan at hamon ng buhay noong sila ay mga estudyante pa lamang, na mahirap pero dahil sa pagsisikap ay naging matagumpay sila ngayon.
Ipinahayag din ng mag-asawa ang kanilang paghanga sa mga kabataang lider sa ngayon na talagang masasabing mga future changemakers dahil ipinakikita nila ang aktibong pakikilahok sa mga serbisyo sa komunidad, sa pangangailangan ng pamayanan, paghubog sa pananagutan at pagpapaunlad ng malasakit sa kapwa.
Ang mga ganitong workshops, ay nagbibigay ito ng mahalagang kasanayan, pagpapahalaga at tiwala sa sariling kakayahan upang mamuno na may malasakit at malinaw na layunin, kung kaya’t ayon pa kina Mayor Raquel at Vice Mayor Francis, patuloy nilang idaraos ang ganitong mga programa para sa mga kabataan na lalong magpapatingkad ng leadership ng mga kabataan para sa susunod na henerasyon.