Agriculture

Mga makinarya sa pagsasaka, ipinamahagi ng DA

0

Pinangunahan ni Mayor Aida Macalinao na bayan ng Samal at G. Danilo Gamalog, cluster head ng PhilMech, na siyang kumatawan sa mga opisyal ng Dept. of Agriculture, ang pamamahagi ng mga makinarya at iba pang gamit sa pagsasaka sa iba’t ibang organisasyon at kooperatiba ng mga magsasaka sa buong Bataan.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Aida na una nang nakatanggap ang mga magsasaka sa kanyang bayan ng mga nasabing makinarya, na talaga namang malaki umano ang naitulong sa kanilang mga gawaing bukid kung kaya’ t sila ang nag host ng nasabing machinery distribution.

Bagama’t hindi nakarating sa nasabing okasyon sina DA Secretary William Dar, DA Regional Director Crispulo Bautista at Senator Cynthia Villar ay nagpaabot naman sila ng kanilang mga mensahe.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Sec. Dar, sa mga magsasaka dahil sa kanilang kontribusyon sa sektor ng agrikultura. Hinikayat din niya ang mga ito na bigyang halaga ang mga nasabing makinarya upang magamit nang matagal sa pagkamit ng segurididad sa pagkain para sa lahat, na ayon pa sa kanya, “let us work towards a food secure and resilient Philippines with all our farmers and fisherfolks.

Ipinarating naman ni Senador Cynthia Villar na sa bisa ng RA 11403, na lumikha ng Rice Competitiveness Enhancement Fund, taun-taun ay nasa P5 bilyong piso ang naipamamahagi ng pamahalaan sa mga rice producers sa ating bansa upang mapababa ang production costs nang sa gayon ay lumaki ang ani at tumaas ang kita sa pagsasaka.
Nagpasalamat naman ang mga magsasaka sa mga makinarya at trainings na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan na malaking tulong sa kanilang pagsasaka.

Subic firms give SBMA excellent rating for Covid-19 response

Previous article

House approves HB 8992 on 2nd reading

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture