Pinaplano ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Pilar na magtayo ng isang modernong palengke sa Barangay Panilao.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro itatayo ang Pilar Public Market sa dalawang daang ektaryang lupain malapit sa gagawing Economic Zone.
Sinabi pa ng Alkalde na ang lahat ng stall ay nakaharap sa daan para yung mga taong bibili ay iikot lang. Sinabi din ni Mayor Pizarro na iminungkahi umano ni Bataan Governor Albert Garcia na magtayo sila ng kanilang palengke sa Pilar upang kung magsara ang Balanga City Public Market gaya ng nangyari nitong mga nakaraang araw dahil sa pandemya, mayroong matatakbuhan ang kanyang mga kababayan. Tutulong umano ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatayo ng naturang pamilihan.
Pinasalamatan naman ni Mayor Pizarro at ng buong Sangguniang Bayan ang Gobernador sapagkat malaking tulong ito hindi lamang sa kanilang kababayan at isa ring source of income ng munisipyo.