Hindi biro ang magkaroon ng sakit na leukemia, isang uri ng kanser sa dugo at bone marrow na kabilang sa top 5 ng mga sanhi ng kamatayan dito sa ating bansa.
Kung kaya’t sa bayan ng Orion, malaking ginhawa sa mga pasyenteng sumasailaim sa gamutang ito, ang makatanggap ng tulong sa kanilang RHU katuwang ang DOH hindi lamang sa mga gamot kundi sa mismong gamutan nito, dahil hindi lamang ito sakit ng katawan kundi sakit din sa bulsa, lalo na sa isang mahirap na walang pagkukunan ng pera.