Business

Pang 12 Negosyo Center, binuksan

0

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Bataan ang pang 12 Negosyo Center sa Probinsya na matatagpuan sa loob ng bagong munisipyo sa bayan ng Abucay.
Pingunahan nina Vice-Mayor Robin Tagle, kinatawan ni Mayor Liberato Santiago, Municipal Administrator Ernesto Vergara at Bataan DTI Provincial Director Nellin Cabahug ang programa para sa pagbubukas ng nasabing Negosyo Center.

Ayon kay Director Cabahug ito na ang pang 12 Negosyo Center, habang 20 naman ang Negosyo Serbisyo sa Barangay ang binuksan sa buong Lalawigan ng Bataan.
“Ang pagbubukas ng mga ganitong Negosyo Center ng aming ahensiya sa bawa’t bayan ay malaking tulong dahil dito na sila pupunta pare irehistro ang kanilang business name sa na nagnanais magnegosyo sa kani-kanilang lugar”, pahayag ni Director Cabahug.

Cong Joet, pinangunahan ang virtual graduation ng Educhild Parenting program

Previous article

32 Balanga farmers and fishermen get financial assistance

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business