Itinaon sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week 2025 na may temang, “Matatag na Paglilingkod, Makabagong Pamamaraan, Maunlad na Serbisyong Pampiitan”, ang Family Day ng Mariveles Municipal Jail kung saan ang lahat ng mga Persons Deprived of Liberty o PDLs ay inanyayahang dumalo.
Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni JSINSP Abraham B. Lazaro, Municipal Jail warden, sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles, na ayon sa kanila, mahalaga ang mga ganitong pagsasama-sama ng pamilya, upang mapalakas pa ang kanilang relasyon lalo sa buhay at pag asa ng mga PDL.
Sa napakaganda at masayang pagkakataon na ito, ang bawat pamilya ay sama-sama na may positibong pananaw, pagkakaunawaan at pag asa na sa huli, di man madali ay mabubuo ang kanilang pamilya.
Di lamang nagsalu-salo ang mga pamilya sa masarap na pagkain, kundi nagkaroon din ng mga palaro na lalong nagpasaya sa lahat nang naroroon.