BusinessNews

Presyo ng mga pangunahing bilihin, binabantayan ng DTI

0
Patuloy na minomonitor ng Department of Trade and Industry DTI ang galaw ng presyo ng mga in demand na produkto sa lahat ng establisimyento sa gitna ng pandemya sa buong Bataan. Ayon kay DTI Senior Division Chief on Business Development Connie Sanico, kabilang sa mga palagi nilang binabantayan ay ang mga presyo ng face mask, laptop at papel sa lahat ng pamilihan sa Lungsod at iba pang bayan.
Idinagdag pa ni Sanico na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa naman sila napatawan na parusa o lumalabag sa mga alituntunin ng DTI. Samantala masayang ibinalita ni DTI Provincial Director Nellin Cabahug na 10 manufacturers sa Bataan ang napili ng isang negosyante na gagawa ng face masks na aabutin ng 20 milyon piraso ng face mask. Kaugnay nito ipinahayag pa ng DTI Director na tuloy at puspusan nilang ipinatutupad ang mga programa ng kanilang ahensiya tulad ng Negosyo Center sa ilang piling barangay at lahat ng bayan sa Lalawigan.

Bayanihan Grant to Provinces

Previous article

SBMA resumes P122.7-M perimeter fencing and road rehab projects

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business