News

QR code una sa bayan ng Samal

0
oznor

Upang higit na mapangalagaan ang kanilang mga mamamayan laban sa COVID-19 at para sa mas episyenteng pagbibigay serbisyo ay nagpasya si Mayor Aida Macalinao na gamitin ang QR code sa lahat ng mamamayan sa bayan ng Samal simula sa mga bagong panganak hanggang sa mga pinakamatatanda.

Ang nasabing Quick Response (QR) code ayon pa kay Mayor Aida ang gagamitin sa kanilang new normal ID system. Sa ngayon ay sinisimulan na umanong iproseso ang lahat ng kawani ng Samal LGU ayon kay Human Resource Management Officer Aaron Rondilla at matapos ito ay iisa-isahin na ang lahat ng mamamayan sa 14 na barangay sa kanilang bayan.

Sa ngayon ay naglaan ng pondo ang bayan ng Samal para bumili ng apat na QR scanners at dalawang facial recognition with thermal scanner. Dagdag pa ni Mayor Aida madali lamang gamitin ang nasabing QR code at ang facial recognition ay malaking tulong upang mas mapabilis ang contact tracing; magiging madali na rin ang kanilang relief distribution, pati na rin sa mga checkpoints.

COVID-UPDATE: SEPTEMBER 6, 2020

Previous article

Mayor urges support for gov’t undertakings

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News