banner

Senior citizens, nakatanggap ng biyaya

Written by
  • Jonie L. C.
  • 1 year ago

Umabot sa 444 na senior citizens sa Barangay Central, Lungsod ng Balanga ang nabiyayaan ng cash gift na halagang Php 1,500.00.
Ayon kay Bb. Renelia Gonzales, kawani ng City Social Welfare and Development Office ang programang ito ni City Mayor Francis Garcia, ay naglalayong tulungan ang mga senior citizens sa gitna ng dinaranas nating pandemya dulot ng COVID-19.

Naging mabilis at maayos ang pamamahagi ng cash gift sa pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay na sina Central Senior Citizen President Pepito Mendez, Secretary Rebecca Balbaligo, Treasurer Teresita Cuenco, Chief Tanod Eduardo Domingo at mga kawani ng CSWDO Malou Manalaotao at Analyn Diverson.

Nasunod ang mga pangunahing protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing. Lubos ang pasasalamat ng mga nabiyayaan kay Mayor Francis Garcia na personal na iniabot ang nasabing tulong.
Piunasalamatan din ng mga senior citizens sina Vice Mayor Vianca Gozon at mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod.
Mabibiyayaan din sa mga susunod na araw ang mahigit 10,000 senior citizens sa iba pang barangay sa buong Lungsod ng Balanga.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares