banner

Simbahan, tutol sa rehabilitasyon ng BNPP

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Sa pahayag ni Bishop Ruperto Santos sa kanyang pastoral letter, marami umano ang nagsusulong sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente at pagtaas ng halaga ng petrolyo, subali’t ang simbahan ay naglahad na nang saloobin, “this is not right nor it is good.”

Sinabi pa ni Bishop Santos na sinusuportahan at nirerespeto niya ang pananaw ng mga clergy, lokal na opisyal at mga mananampalataya sa Diyoseses ng Balanga na nagkakaisa sa pagtutol sa ideya ng rehabilitasyon ng BNPP.

Lalo pa umanong luminaw ang pagtutol ni Bishop Santos sa findings ng Russian State Atomic Energy Corporation (Rusatom) noong April 04, 2013 na ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev na, ” its revival is not possible and that the plant is absolutely outdated.”

Ipinaliwanag din ni Bishop Santos na bukod sa bilyong piso ang magagastos dito, hindi umano natin gustong masira ang ating kalikasan lalo pa ang malagay sa panganib ang buhay nating lahat.

Ang Diyoseses ng Balanga ay matinding tumututol at ito ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon,

“We are against the ideas or plans for the rehabilitation of the Bataan Nuclear Power Plant, pagdidiin pa ni Bishop Santos.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares