minimum wage

Ikalawang bahagi ng umento sa sahod, ipatutupad na

Ipatutupad na simula sa ika-16 ng Abril ang ikalawang bahagi ng umento sa arawang sahod ng mga pribadong manggagawa sa Gitnang Luzon, ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB). Batay sa Wage Order No. RBIII-25 na inaprubahan noong nakaraang taon, magkakaroon ng karagdagang P25 sa arawang sahod ng mga manggagawa, bilang ikalawang tranche […]