Tiyakin munang hindi malalagay sa panganib ang mga residente
![]()
MORONG, Bataan – Iisa ang sentimyento ng mga residente ng Barangay Nagbalayong sa bayang ito ukol sa plano ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng $2.1-B mothballed Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa isinagawang public consultation ng Department of Energy (DOE) kahapon at ito ay ang katiyakang hindi malalagay sa panganib ang kanilang buhay at kalusugan sakaling muling buhayin ang naturang plantang nukleyar.















