Hindi pa lubusang “red tide free” ang Bataan
BALANGA CITY, Bataan – Bagama’t isang bayan na lamang ang positibo sa red tide toxin, hindi pa rin maituturing na “red tide free” na ang buong lalawigan ng Bataan.
Kinumpirma ni Department of Agriculture Chief Imelda Inieto na sa 11 bayan at isang lungsod ng Bataan, ang karagatan ng bayan ng Samal na lamang ang positibo sa red tide toxin.












