Mga biktima ng sunog, tutulungan ng pamahalaang panlalawigan
LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Makatatanggap ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang walong pamilyang nasunugan sa Quatro Cantos Barangay Omboy, Abucay. Ito ang pahayag ni Gob. Albert Garcia sa isang press conference na ginanap sa kanyang tanggapan sa lungsod na ito noong Lunes.









