Seafood Island Restaurant, binuksan

   LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Pormal nang binuksan noong Biyernes ng Blackbeards Seafood Island group ang kanilang Resto Bar and Restaurant (Seafood Island ) sa Plaza Hotel sa lungsod na ito.

 

   Kabilang sa mga panauhin sa pasinaya ay mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia, Provincial Administrator at Legal Officer Atty. Aurelio “Joey” Angeles, Sangguniang Bayan Member Liza Vasquez, Batang Tri Grassroots Coach Jojo Macalintal at Seafoods Island Owner Raymund Magdaluyo.

Sino ang tatanghaling Darling of the Press?

LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – “Pagkakaisa ang pinakamahalagang sandata para makamtan ang  nagkakaisang layuning umunlad, sumaya, tumiwasay at yumaman ang lalawigan ng Bataan” ito ang bahagi ng mensahe ni Gob. Albert Garcia sa ginanap na panunumpa ng mga pinuno ng Bataan Peninsula Tourism Council Foundation, Inc. BPTCFI at Executive Committee Members na kasabay na rin ng paglulunsad ng Search for Ms. Bataan 2014 na ginanap sa Emiliana Hall sa Lungsod na ito.

Kilalanin ang susunod na Ms. Bataan

LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Labindalawang kandidata mula sa Una at Ikalawang Distrito ng Bataan ang ipakikilala ng Bataan Tourism Council sa mga miyembro ng media sa Biyernes, ika-3 ng hapon sa Emiliana Hall, Barangay Tenejero ng lungsod na ito, ayon kay Gng. Vicky Garcia, Chairperson ng Bataan Tourism Council at maybahay ni Congressman Enrique Tet Garcia.

Mga putol na kahoy, natunton sa dagat ng Bagac

BAGAC, Bataan – Umaabot sa 800 board feet ang sukat ng mga kahoy na natunton ng mga tauhan ng Bagac Municipal Police Station na nakalubog sa karagatang sakop ng Barangay Paysawan ng bayang ito nitong nagdaang linggo.

Batay sa imbestigasyon, isang concerned citizen ang nag tip ukol dito. Sinisid umano ng mga tauhan ng pulisya sa pamumuno ng kanilang hepe na si P/Chief Insp. Jaafar ang nasabing lugar at nakita nila ang nakasalansan na mga kahoy.

Mga proyektong imprastraktura tuloy ang pag-arangkada

PILAR, Bataan –Ang farm to market road sa Sitio Aquino, sakop ng Barangay Panilao sa third class municipality na ito, ay isa sa mga proyektong imprastrakturang naipapagawa na, at halos nasa 50 porsiento na ng mga kasalukuyang pagawain, ang natapos na, kabilang dito ang concreting ng canal sa daan patungong Dunsulan Falls na sinira ng bagyong Glenda, pahayag ni Pilar Mayor Alice Pizarro.

Kasalukuyan ding ginagawa ang drainage sa Josefa Ville Subdivision sa Barangay Panilao na halos may 420 meters ang sukat na kailangan ding mayari agad hangga’t maganda pa ang panahon, para maibsan ang pagbaha pag sumasapit ang tag-ulan.

Isang bagong planta ang kailangan sa Bataan

   BALANGA CITY, Bataan – Isang bagong planta ng koryente ang dapat itayo, ito ang mariing ipinahayag ni Senador Bongbong Marcos nung Biyernes sa isang Dialogue on Infrastructure Development na idinaos sa Crown Royale Hotel and Restaurant sa Lungsod na ito.

Hindi pa lubusang “red tide free” ang Bataan

BALANGA CITY, Bataan – Bagama’t isang bayan na lamang ang positibo sa red tide toxin, hindi pa rin maituturing na “red tide free” na ang buong lalawigan ng Bataan.

Kinumpirma ni Department of Agriculture Chief Imelda Inieto na sa 11 bayan at isang lungsod ng Bataan, ang karagatan ng bayan ng Samal na lamang ang positibo sa red tide toxin.

Ilang probisyon sa FAB, gagayahin ng SBMA

BALANGA CITY, Bataan – Sa loob ng dalawang taon humataw sa no. 1 ang Freeport Area of Bataan (FAB) base sa laki ng kita kung ikukumpara sa laki at lawak ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Olongapo City at Clark Eco Zone sa Angeles City. Isa sa mga dahilan kung bakit naungusan umano ng […]

Quatro Bernardo Resort, bukas na sa publiko

PILAR, Bataan – Dahil sa likas na ganda ng Bataan, ang mga negosyante ay sunud-sunod nang nagtatayo sa ating lalawigan ng mga lugar na pasyalan lalo na sa panahon ng tag-init.  

Pag-aari ng mag-asawang Jojo at Eva Bernardo, ang Quatro Bernardo Farm and Resort sa Pantingan, Pilar ay limang taon na palang bukas sa para mga turista na gustong magliwaliw sa Bataan.

Unang organic trading post sa Bataan inilunsad

LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Inilunsad nitong nagdaang Biyernes sa Lungsod na ito ang unang organic trading post sa Lalawigang ito upang himukin ang mga residente na tangkilikin ang mga aning prutas at gulay na ginamitan ng mga organic materials, gayun din ang iba pang magsasaka na gumamit na rin ng organic materials sa kanilang mga pananim.

Sa isinagawang paglulunsad, sinabi ni Balanga City Vice-Mayor Noel Valdecanas na “Go organic farming out of love for the environment” at “Ang paggamit ng kemikal  ay hindi lamang masama sa katawan ng tao kundi maging sa kalikasan”.