P35 milyong halaga ng gusali pasisinayaan

LIMAY, Bataan – Pangungunahan nina Limay Mayor Lilver Roque, Vice-Mayor Eufemia Roxas, Sangguniang Bayan Members, Barangay Captain at mga guro habang panauhing tagapagsalita naman si Bataan Governor Albert Garcia ang pagpapasinaya sa mahigit P35 milyong halaga ng gusaling pampaaralan na itinayo sa kahabaan ng National Road Barangay St. Francis lI, Limay, Bataan sa ika-16 ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Rudy Gomez, Limay Municipal Consultant, itinayo ang dalawang bagong gusali na mayroong 20 silid aralan sa compound ng St. Francis Elementary School na may lawak na halos 1.4 hectares. Idinagdag pa ni Gomez na ang lahat ng mga mag-aaral sa elementarya na nasa Bacong Elementary School ay ililipat sa St. Francis Elementary School habang ang Bacong Elementary School ay gagawing St. Francis High School

Bagong Teknolohiya sa Pagtatanim Susubukin

BALANGA CITY, Bataan – Isang magsasaka sa Lungsod ng Balanga ang susubok sa makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng palay at kung magtatagumpay, ito na ang sistemang kanyang gagawin sa kanyang bukid.

Ayon kay Aurelio Ladia, isang magsasaka ng Sitio Maluwang, Barangay Cupang Proper, Balanga City kalahati ng kanyang bukid ay gagawing demo farm ng Full Harvest Foliar Fertilizer.

PGS basehan sa pagbibigay ng incentives

   BALANGA CITY, Bataan – Tuloy pa rin ang tinatanggap na incentives ng Bataan Philippine National Police (PNP) mula sa Provincial Government, ito ang tahasang sinabi ni Bataan Governor Albert Garcia sa katatapos na joint anti-drug summit na ginanap sa Lou-is Restaurant nitong ika-27 ng Hunio.

PAGBAHA SA UNANG DISTRITO TUTULDUKAN

DINALUPIHAN, Bataan – Sinimulan nang pag-aralan ng Regional Project Management Office (PMO)  ang pagtuldok sa pagbaha partikular sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa at Orani, paniniyak ni District-1 Department of Public Work and Highways (DPWH) Chief Engr. Wilfredo Mallari kahapon.             Ayon kay Engr. Mallari inilabas na ng ahensiya ang […]

Miss Bataan 2014, pinaghahandaan na!

BALANGA CITY, Bataan – Pinaghahandaan na ng Bataan Tourism Council Foundation Inc. (BTCFI) sa pakikipagtulungan ng Bataan Tourism Office ang pagdaraos ng “Search for Miss Bataan 2014” sa darating na Setyembreng taong kasalukuyan.

            Ayon kay BTCFI Chairwoman Vicky Garcia, tuwing ikalawang taon ang pagdaraos ng nasabing patimpalak kung saan ang magwawagi ang siyang kakatawan sa pagpo promote ng Lalawigan ng Bataan lalo na sa turismo.

ARAW NG KALAYAAN IPINAGBUNYI SA BATAAN

Sama samang ipinagdiwang ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, Phillipine National Police, Phil. Army,at taga pangasiwa ng mga ahensiya ng Pamahalaang Nasyonal, ang ika-116 na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa harap ng kapitolyo, ngayong araw ng Lunes ika- 9 ng Hunyo, 2014. Isinabay ang nasabing pagdiriwang na dapat ay sa June 12 pa, sa isang simpleng flag raising ceremony.    

Pampublikong sementeryo itatayo sa Pilar

   Isang panukala ang ipapasok ni Pilar Mayor Alice Pizarro sa konseho upang magtayo ng isang pampublikong sementeryo sa Barangay Bagumbayan Pilar, Bataan. Ayon kay Mayor Pizarro ang pampublikong sementeryo na itatayo sa naturang Barangay papuntang Landing ay may sukat na 1.5 hanggang 2 ektarya para sa kanyang mga kababayang mahihirap na hindi makapaglagak ng labi ng kanilang mahal sa buhay sa mga pribadong sementeryo.

ILLEGAL FISHING NASABAT

   BAGAC, Bataan – Isang bangkang pangisda na may markang Chang Chang ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bagac Municipal Police Station makaraang ilegal na mangisda sa karagatan ng Bayang ito kamakalawa ng umaga.

   Dinakip ng pulisya, sa superbisyon ni P/SInsp. Jansky Andrews Jaafar, OIC ng Bagac Municipal Police Station sina Jimmy Carisma, boat Captain, 35 anyos, binata tubong Calinog Iloilo; Jerome Soriano, Machinist, 24, tubong Biliran, Tacloban at 31 crew na pawang nakatira sa Breakwater  Sisiman, Mariveles.

   Ayon kay Jaafar, dakong alas 6:00 ng umaga nang makarating sa kanyang kaalaman na mayroong bangkang nangingisda malapit sa pampang kaya’t agad niyang inatasan  ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng operation sa karagatan ng Bagac. Dito na nga natuklasan ng mga pulis ang bangkang may tatak na Chang Chang na pag-aari ni Ismael Alcos ng 105 F, Pascual St. San Jose, Navotas City na nanghuhuli ng isda gamit ang fine mesh nets sa maritime water na sakop ng Barangay Quinawan, Bagac.

JOB FAIR 2014 GAGAWIN SA BATAAN

   BALANGA CITY, Bataan Isang malawakang Job Fair na may temang “Sa Sipag, Tiyaga at Talino, Buong Mundo Saludo sa MANGGAGAWANG PILIPINO”  ang isasagawa bukas May 6, 2014 sa People’s Center Capitol Compound Balanga City, Bataan.

   Ito ay naglalayong makatugon sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho mapa lokal man o international. Ang mga posibleng trabaho ay ang mga sumusunod: Office Workers, Production Operator, Machine Operator, Technician, Welders, Engineers, Hotel Workers, Casino Workers, Marketing/Sales Officers, Accountants, Nurses, Factory Workers at marami pang iba.

BOARD OF DIRECTORS NG PENELCO, NAG-ULAT SA CONSUMERS

   BALANGA CITY, Bataan.  Naging maayos ang taunang General Assembly ng mga miyembro, director at kawani ng Penelco Electric Cooperative Inc. (PENELCO) mula sa 11 bayan at isang lungsod ng Lalawigan nitong nakaraang April 26, 2014 na ginanap sa People’s Center, Capitol Compound, Balanga City, Bataan.