CAPITOL SQUARE BINUKSAN NA

Binuksan na sa madla ang bagong tayong Capitol Square sa may kahabaan ng Capitol Road Barangay San Jose Lungsod ng Balanga. Sa unang araw dagsa ang mga mamimili na nagbabakasakaling makabili ng mga paninda sa murang halaga. Ang Lungsod ng Balanga ang pangunahing dinadagsa ng mga mamumuhunan dahil tahimik at payapa, maging sa buong lalawigan, […]

Kagamitang pambukid, ipinamahagi

Pinangunahan ni Vice-Mayor Vianca Venzon Gozon ang pamamahagi ng mga water pumps, parmal, mga buto ng gulay, buto ng mais at mga makinaryang gamit sa bukid kaninang umaga July 15, 2019 sa covered court ng Doña Francisca Subdivision, Lungsod ng Balanga. Ang pamamahagi ng mga nasabing kagamitang pambukid ay isinabay sa programang Barangayan Week ng […]

REHABILITASYON NG FISH SANCTUARY MATATAPOS NA

Matatapos na ang rehabilitasyon ng 2.5 ektaryang fish sanctuary sa ng Barangay Landing bayan ng Pilar. Ayon kay Bb. Cecil Ramos, Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) Officer ng Pilar ang pondo na ginamit sa rehabilitasyon na nagkakahalaga ng P5.3 milyon ay mula sa Bottom up Budgetting (BuB) program ng DILG. Halos nasa 95 […]

“NO TO SINGLE USE PLASTIC” SUPORTADO NG SIMBAHAN

Hinangaan ni Bishop Ruperto Santos ng simbahang katoliko ang “Balik Basket at Bayong Program” na kaakibat ng kampanyang “No to Single Use Plastic” ng Pamahalaang Panlungsod ng Balanga. Sa kanyang homily nitong nakaraang araw, sinabi ng butihing Obispo na mas makabubuti na gamitin ang mga babasaging plato, baso, tasa, at metal na kutsara at tinidor […]

BALIK BASKET AT BAYONG PROGRAM ISINUSULONG

Pinakiusapan ni City Environment and Natural Resources Officer/City Agriculturist Nerissa Mateo ang lahat ng mga tindera at mamimili sa loob at labas ng pamilihan na huwag nang gumamit ng plastik, at sa halip ay gumamit ng basket o bayong. Ang apilang ito ay bilang suporta sa kampanya ng pamahalaaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Francis […]

Mga empleyado ng lungsod, hindi na gagamit ng plastik

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang memorandum order ang ibinaba ni City Mayor Francis Garcia sa lahat ng hepe ng departamento ng pamahalaang panlungsod na naglalayong iwasan ang paggamit ng lahat ng uri ng plastik sa sa loob ng tanggapan sa tuwing kakain ng meryenda o pananghalian. Ayon sa Memorandum Order No. 10-10 series of […]

Pagsasanay ng mga magsasaka, matagumpay na idinaos

LUNSOD ng BALANGA, Bataan – Nasa 47 mango, mushroom at palay growers ang nakilahok sa dalawang araw na ‘’Tourism Enterpreurship: A Training Workshop on Simplified Accounting and Agriprenuership’’ na ibinigay ng Bataan Peninsula State University BPSU Abucay Campus na ginanap sa Silver Room, Crown Royale Hotel noong ika-4 at 5 ng Hulyo. Ayon kay Bb. […]

P4 M farm to market road, tapos na

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Napapakinabangan na ang farm to market road na ginastusan ng Pamahalaang Panlungsod ng P4 milyon. Ang nasabing daan ay nasa may bahagi ng Sitio Maluang Barangay Cupang Proper ng lungsod na ito. Ipinagawa ni City Mayor Francis Garcia ang nasabing daan na may habang 328 metro dahil sa hinaing ng […]

BDJ, nananatiling drug free facility

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Muli na namang nakapasa ang Bataan District Jail batay sa resulta ng isinagawang random drug test sa mga bilanggo kamakailan. Ikinatuwa naman ni Provincial Warden Andrew Tauli ang naging resulta ng drug test at ipinangako nito na pananatilihin nilang drug free facility ang Bataan District Jail.

Araw ng Kasarinlan, ipinagdiwang sa iba’t-ibang pamamaraan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sabay-sabay na ipinagdiwang sa buong bansa ang ika-121 Anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan, kahapon ika -12 ng Hunyo, sa iba’t-ibang pamamaraan. Payak na isinagawa ito sa Samal, Bataan kung saan pinangunahan ni Mayora Gene dela Fuente ang pagpapakawala ng iba’t ibang kulay na lobo at mga kalapati na simbolo ng […]