3 public schools sa Bataan, tumanggap ng computers mula sa NGCP

MARIVELES, Bataan —- Tatlong public schools sa lalawigan ang nabiyayaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 3 laptops, 30 tablets at 30 SD cards bilang bahagi ng kanilang computerization program at pakikipag-ugnayan sa mga host communities ng kanilang transmission facilities.
Sa isang simpleng turn-over ceremony kamakailan para sa computer assistance program ng NGCP katuwang ang Peninsula Electric Cooperative, Inc. (Penelco) sa Renato Cayetano Memorial Elementary School sa Brgy. Maligaya rito, sinabi ni Napoleon Viterbo, NGCP District 5 Head, na layunin ng kanilang programa na gawing moderno at computerized ang teaching methods sa mga public schools sa Bataan at iba pang eskwelahan sa Gitnang Luzon.













