-
Ronald F. Supnad / 12 years
- 0
- 1 min read
BALANGA CITY, Bataan – Dahil sa matagumpay at epektibong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon, itinanghal ang bayan ng Morong bilang 2013 Most Outstanding Municipality in the Province, na siyang tumapos sa tatlong sunod na taong pamamayagpag ng bayan ng Bagac.
Ayon kay PHO chief Dr. Rosanna Buccahan, layunin ng isinagawang ebalwasyon sa mga bayan na suriin ang kahusayan ng mga planong pangnutrisyon sa pamamagitan ng mga proyektong nagawa at sa suporta na rin ng mga lokal na pinuno at ibang ahensya. Isa pang batayan para makamit ang parangal ay ang pag-inam ng timbang ng mga preschool at school children sa evaluation year at sa nakalipas na dalawang taon.