Mga putol na kahoy, natunton sa dagat ng Bagac

BAGAC, Bataan – Umaabot sa 800 board feet ang sukat ng mga kahoy na natunton ng mga tauhan ng Bagac Municipal Police Station na nakalubog sa karagatang sakop ng Barangay Paysawan ng bayang ito nitong nagdaang linggo.
Batay sa imbestigasyon, isang concerned citizen ang nag tip ukol dito. Sinisid umano ng mga tauhan ng pulisya sa pamumuno ng kanilang hepe na si P/Chief Insp. Jaafar ang nasabing lugar at nakita nila ang nakasalansan na mga kahoy.


















